Araw-araw na brownout nararanasan sa Boracay Island dahil sa pagpapalit ng poste
Posibleng tumagal ng isang buwan ang nararanasang brownout sa may walong libong residente sa isla ng Boracay sa Aklan.
Ang serye ng power interruption ay naranasan mula noong Lunes, September 23 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Ayon sa Aklan Electric Cooperative (AKELCO) ang brownout ay sanhi ng pagpapalit nila ng poste para sa road widening project ng Department of Public Works and Highway (DPWH).
Nabatid na gumagamit ngayon ng generator sets ang mga resort at hotel sa isla.
Tiniyak naman ng AKELCO na minamadali na nila ang paglilipat ng poste para maibalik sa normal ang supply ng kuryente sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.