Mt. Apo sa Davao muling bubuksan sa publiko sa Oktubre matapos isailalim sa rehabilitasyon
Muling bubuksan sa publiko ang Mt. Apo Trail sa Davao del Sur simula sa buwan ng Oktubre.
Higit na isang taon na isinara sa mga mountain hikers ang Mt. Apo para isailalim sa rehabilitasyon dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon sa Kidapawan City Tourism Office (KCTO) sa North Cotabato, bubuksan na ang anim na trails patungo sa summit ng bundok kasabay ng October trek event.
Kinabibilangan ito ng trails sa Kidapawan City, Makilala, at Magpet sa North Cotabato; ang Digos City, Sta. Cruz at Bansalan sa Davao del Sur.
Gayunman, lilimitahan lamang sa 50 mga hikers bawat araw ang papayagan sa summit.
Ang Mt. Apo ang pinaka-mataas na bundok sa Pilipinas na mayroong 9,692 feet o 2,954 meters above sea level.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.