Mahigit 300 baboy kinatay sa Barangay Pasong Tamo sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2019 - 09:54 AM

Isa pang barangay sa Quezon City ang hinihinalang naapektuhan na ng African Swine Fever.

Ayon kay Banjo Pilar, barangay captain sa Brgy. Pasong Tamo, isang hog raiser sa kanilang nasasakupan ang nagsabing nakitaan nila ng panghihina ang alaga nilang baboy.

Dahil dito, nagkusa na ang mga opisyal ng barangay na katayin ang mga baboy na maysakit at nakitaan ng panghihina.

Hindi pa naman kumpirmadong may ASF nga ang mga ito.

Magugunitang unang naapektuhan ng ASF ang Barangay Payatas at Bagong Silangan sa lungsod.

TAGS: African Swine Fever, Barangay Pasong Tamo, culling, quezon city, African Swine Fever, Barangay Pasong Tamo, culling, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.