Ayon sa Phivolcs alas 5:19 ng umaga naitala ang magnitude 3.7 na lindol sa 120 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos.
33 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Alas 6:16 naman ng umaga nang tumama ang magnitude 3.0 na lindol sa 138 kilometers southeast ng Jose Abad Santos.
34 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic din ang pinagmulan.
At alas 8:28 ng umaga ay naitala naman ng Phivolcs ang magnitude 3.3 sa 125 kilometers southeast ng nasabi pa ring bayan.
Ang tatlong magkakasunod na pagyanig ay aftershocks ng magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Davao Occidental noong Sept. 29.