Biyahe sa Monumento – Navotas naparalisa

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz September 30, 2019 - 08:50 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Naparalisa ang biyahe ng mga pampasaherong jeep sa Monumento – Navotas at pabalik.

Lumahok sa nasabing tigil-pasada ang malaking bilang ng mga jeepney driver at operator.

Tanging mga taxi at UV Express ang nasakyan ng mga pasahero sa lugar.

Ayon sa mga driver ng jeep na pawang miyembro ng grupong PISTON, may iilang pampasaherong jeep lang ang hindi lumahok sa tigil-pasada para lamang kumita ng pera, Lunes ng umaga.

Pero sa sandaling makakuha na ng panggastos ay hindi na rin bibiyahe ang mga ito.

May mga Libreng Sakay naman ang PNP at mga lokal na pamahalaan para matulungan ang stranded na mga pasahero.

TAGS: mcu, Monumento, navotas, tigil pasada, transport strike, mcu, Monumento, navotas, tigil pasada, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.