Ilegal na droga at mga bala nadiskubre sa inuupahang kwarto ng isang Chinese sa Pasay City

Nadiskubre ng Pasay City police ang ilang sachet ng mga shabu at mga bala sa kwarto ng isang Chinese National sa FB Harrison sa Pasay City.

Tumawag sa mga pulis ang mga staff ng hotel dahil sa masangsang na amoy mula sa kwarto ng Chinese.

Nang dumating ang mga pulis, pinasok nila ang unit na nasa ikatlong palapag ng gusali.

Doon tumambad sa kanila ang mga nabubulok nang pagkain, ilang sachet ng shabu at may nakita ring mga bala.

Wala namang tao na nadatnan sa kwarto.

Sa record ng pulisya, ang Chinese na umuupa sa kwarto ay dati nang naaresto dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Read more...