Selfie sticks bawal sa traslacion ng Poong Nazareno bukas
Ipinagbawal ng Manila City Government ang pagdadala ng selfie sticks ng mga debotong magtutungo at sasama sa traslacion ng Poong Nazareno bukas, Enero 9.
Sa abiso mula sa Manila City Hall, hiniling ni Mayor Joseph Estrada sa milyun-milyong deboto na huwag ang magdala ng mga selfie sticks, tripods, monopods at iba pang gadget extension devices.
Maari umano kasing makasakit ang ganitong uri ng mga gadget sa mga deboto na sasama sa traslacion. “Mayor Estrada and disaster-response officials are asking millions of devotees not to bring selfie sticks, tripods, or other gadget extension devices which may cause inconvenience or endanger devotees during the religious event,” ayon sa abiso ng City Hall ng Maynila.
Nauna nang inanunsyo ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na bawal ang pagdadala o pagsusuoot ng backpacks, bullcaps, armas at nakalalasing na inumin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.