Pinal na listahan ng convicts na tutugisin ng pulisya isusumite na ngayong araw

Nakatakdang isumite ng Department of Justice (DOJ) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong araw ang pinal na listahan ng convicts na ipatutugis sa pulisya simula bukas, October 1.

Ang listahang ito ay naglalaman ng mga persons deprived of liberty (PDLs) na napalaya dahil sa kontrobersyal na good conduct time allowance (GCTA) ngunit hindi sumunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumuko.

Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete na nagpulong ang oversight committee ng kagawaran kahapon, araw ng Linggo para sa deliberasyon at pagsasapinal ng listahan.

Nauna nang sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevrra noong September 26 na ibibigay ang pinal na listahan ng PDLs ngayong September 30.

Magsisimula dapat ang muling pag-aresto sa heinous crime convicts noong September 19.

Gayunman, pinatigil ito ng DOJ sa PNP at militar dahil sa mga iregularidad sa listahan ng 1,914 PDLs na isinumite ng Bureau of Corrections.

Umabot din sa 2,221 ang sumuko sa ultimatum ng presidente, mas mataas ng 307 sa record ng BuCor.

Read more...