MMFF entries kumita na ng mahigit P1 bilyon

MMFF-moviesIsang araw bago magtapos ang 41st Metro Manila Film Fest, kumite na ng P1.002 billion ang walong pelikulang kalahok dito.

Ang nasabing halaga ay kinita ng walong entries sa MMFF simula noong December 25, 2015 hanggang January 6, 2016.

Ngayong araw ang pagtatapos ng film fest at inaasahang maglalabas ng final box-office gross ang MMFF Executive Committee.

Sa ika-13 araw ng showing ng mga kalahok na pelikula, nananatiling ang My Bebe Love, Beauty and the Bestie, Haunted Mansion at Walang Forever ang apat na pelikula na may pinkamalaking kinita.

Hindi naman inilabas ng MMFF Executive Committee ang halaga ng kinita ng top 4 highest-grossing films.

Ang iba pang pelikula na kalahok sa MMFF ay ang All You Need is Pag-ibig, Buy Now Die Later, Honor Thy Father at Nilalang.

Read more...