Go: Pangalan ng mga ‘ninja cops’ isisiwalat ni Duterte pagkabalik mula Russia

By Rhommel Balasbas September 30, 2019 - 04:42 AM

Ilalantad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga ‘ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa illegal drug recycling pagkabalik ng bansa mula sa Russia.

Ito ang inanunsyo ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go nitong weekend sa 118th anniversary ng Balangiga massacre sa Eastern Samar.

Ayon kay Go, nakita niya na ang listahan sangkot ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Giit ni Go, karapatan ng bawat Filipino na malaman ang pagkakakilanlan ng mga ‘ninja cops’.

“Every Filipino has the right to know who these ninja cops are. Who knows they are just beside you,” ani Go.

Sa ngayon anya ay isinasailalim na lang sa cross-validation ang listahan.

“When he returns from Russia, he has plans to read the names of all the ninja cops. He’s just validating the list. We call it cross-validation. He just wants to be very sure. He’s asking the intelligence community who really the ninja cops are,” dagdag ng senador.

Magugunitang isiniwalat ni dating PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang isyu ukol sa mga ninja cops at sinabi pang isang ‘high-ranking official’ ang sangkot dito.

TAGS: Duterte to reveal names after Russia official visit, ninja cops, Sen. Christopher "Bong" Go, Duterte to reveal names after Russia official visit, ninja cops, Sen. Christopher "Bong" Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.