Pangulong Duterte biyaheng Russia na bukas

Nakatakdang lumipad si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Russia bukas para sa kanyang anim na araw na official visit.

Sakay ang pangulo ng isang chartered flight na kauna-unahan simula April 2018 matapos ang paggamit ng private planes sa kanyang short-haul flights partikular sa Southeat Asia at Beijing, China.

Ang pagbisita ng pangulo sa Russia na tatagal hanggang October 6 ay ang una niyang biyahe sa naturang bansa matapos ang May 2017 visit na napaikli dahil sa Marawi Siege.

Highlight ng biyahe ng pangulo ang bilateral talks kay Russian President Vladimir Putin sa Sochi, Russia, na ikaapat na nilang bilateral meeting simula noong November 2016.

Tutunghayan ng dalawang lider ang paglagda sa mga kasunduan na may kinalaman sa kooperasyon sa kalusugan, kultura at basic research.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Foreign Assistant Secretary on European affairs Amelita Aquino na wala pa sa singning table ang mga kasunduan para sa defense cooperation at workers’ protection.

Samantala, magbibigay naman ng talumpati si Pangulong Duterte sa plenary session ng Valdai Discussion Club sa October 3.

Sa October 5, magsasalita rin ang presidente sa Moscow State Institute of International Relations na dapat ay nagawa niya noong 2017.

Haharap din si Duterte sa 6,700 miyembro ng Filipino Community sa Russia.

Read more...