36 patay sa pagbangga ng bus sa truck sa China

Patay ang 36 katao matapos bumangga sa isang truck sa Changchun-Shenzhen expressway sa eastern Jiangsu province, araw ng Linggo.

Sa imbestigasyon ng Yixing public security bureau, sakay ng bus ang 69 katao nang bigla itong mapunta sa opposite lane dahil sa flat na gulong.

Bumangga ito sa freight truck sakay ang tatlo katao.

Walong oras na naisara ang expressway dahil sa rescue operations.

Bukod sa 36 patay, 36 din ang sugatan kung saan siyam ang nasa kritikal na kondisyon.

Kadalasang nagaganap ang road accidents sa China dahil sa hindi pagsunod sa traffic regulations at hindi mahigpit na pagpapatupad sa mga ito.

Read more...