Bagyong Onyok bahagyang bumagal habang kumikilos pa-Hilagang-Kanluran sa ibabaw ng PH Sea

By Rhommel Balasbas September 30, 2019 - 05:08 AM

Bahagyang bumagal ang Typhoon Onyok habang kumikilos pa-Hilagang-Kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea.

Ayon sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 180 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbusong aabot sa 150 kilometro bawat oras.

Kumikilos na lamang ang bagyo sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong Hilagang-Kanluran.

Ngayon ay naktaas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no.1 sa Batanes at Babuyan Islands.

Hindi pa rin inaasahang tatama ang bagyo sa kalupaan.

Gayunman, ang trough nito ay nagdadala pa rin ng kalat-kalat na mahihina hanggang katamtamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Cagayan, Apayao at Ilocos provinces.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo mamayang gabi.

Nakataas pa rin ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng northern at eastern seaborads ng Luzon kasama ang mga lugar na nasa signal no. 1.

TAGS: 5am severe weather bulletin, OnyokPH, Philippine Area of Responsibility (PAR), Typhoon Onyok, 5am severe weather bulletin, OnyokPH, Philippine Area of Responsibility (PAR), Typhoon Onyok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.