M3.3 na lindol naitala sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-10:43 Linggo ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 16 kilometro Timog-Kanluran ng Madrid.

May lalim ang pagyanig na 15 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...