Niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang karagatang sakop ng Central Chile alas-11:58 ng Linggo ng gabi oras sa Pilipinas.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), ang episentro ng lindol ay sa layong 83 miles ng Talca.
May lalim ang pagyanig na 6.1 miles.
Ayon naman sa Pacific Tsunami Warning Center at DOST-PHIVOLCS, kahit may kalakasan ang pagyanig ay hindi inaasahang magdudulot ito ng tsunami.
Ang Chile ay bahagi ng tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan natural ang mga lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.