Iba pang kumpanya ng langis, nag-anunsiyo na ng bawas-presyo

By Angellic Jordan, Len Montaño September 29, 2019 - 03:54 PM

Nag-anunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ng bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng Shell at Seaoil, magkakaroon ng bawas na P1.45 sa kada litro ng gasolina, P0.60 sa kada litro ng diesel habang P1 naman sa kada litro ng kerosene o gaas.

Sa Phoenix Petroleum at Petro Gazz, nasa P1.55 ang tapyas sa kada litro ng kanilang gasolina habang P0.50 naman sa kada litro ng diesel.

Samantala, sa Cleanfuel, nasa P1.50 ang bawas sa kada litro ng gasolina at P0.50 naman sa kada litro ng diesel.

Epektibo ang price adjustment ng Seaoil bandang 6:00, Lunes ng umaga (September 30).

Bandang 6:00, Martes naman ng umaga (October 1) epektibo ang rollback ng Shell at Petro Gazz.

Nauna naman ang pagpapatupad ng Phoenix Petroleum dakong 6:00, Linggo ng umaga (September 29) habang ang rollback ng Cleanfuel ay nagsimula bandang 4:01, Linggo ng hapon.

Pero kasabay ng rollback sa susunod na linggo, ipapatupad naman ang pagtaas ng presyo ng liquified petroleum gas (LPG).

Nasa P4 hanggang P5 kada kilo o P44 hanggang P55 kada 11-kilogram cylinder ang LPG price increase.

TAGS: BUsiness, diesel, gaas, gasoline, kerosene, langis, oil, BUsiness, diesel, gaas, gasoline, kerosene, langis, oil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.