Pagkakaaresto sa isang PDEA agent, patunay na may tiwaling law enforcers – Aquino

Inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na ang pagkakaaresto sa isang PDEA agent ay patunay na mayroong tiwaling law enforcers.

Nahuli ang PDEA agent na si Richard Gaufo, 39-anyos, sa ikinasang anti-drug operation.

Sa inilabas na pahayag, sa halip na ipagtanggol, sinabi pa ni Aquino na pananagutin ang lahat ng aniya’y “crooked agents” sa batas.

Nangako si Aquino na magpapatupad ang PDEA ang mas mahigpit na implementasyon ng internal cleansing para maalis ang mga tiwaling kawani sa ahensya.

Suportado rin aniya ng PDEA at patuloy na makikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) para sa kampanya kontra sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte.

Read more...