Sa inilabas na pahayag, umapela ang Office of the Chancellor ng unibersidad sa lahat ng estudyante, faculty, at staff na itigil ang pag-post at pagpapasa ng mga mensahe sa social media ukol sa pagkasawi ng isang miyembro ng Sigma Rho Fraternity.
Sinabi pa nito na dapat irespeto ang pribadong buhay ng pamilya.
Dagdag pa nito, agad nagsagawa ng administrative action ang unibersidad para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng hazing.
Tiniyak naman nito na patuloy silang magbibigay ng update sa publiko ukol sa kaso.
Matatandaang nag-viral sa social media ang screenshots ng umano’y hazing sa Sigma Rho.
MOST READ
LATEST STORIES