Miyembro ng fraternity na umano’y konektado sa hazing sa UP, pumanaw

By Angellic Jordan September 29, 2019 - 02:40 PM

Pumanaw ang isa sa mga miyembro ng fraternity na sinasabing konektado sa hazing incident sa University of the Philippines – Diliman.

Sa inilabas na pahayag, umapela ang Office of the Chancellor ng unibersidad sa lahat ng estudyante, faculty, at staff na itigil ang pag-post at pagpapasa ng mga mensahe sa social media ukol sa pagkasawi ng isang miyembro ng Sigma Rho Fraternity.

Sinabi pa nito na dapat irespeto ang pribadong buhay ng pamilya.

Dagdag pa nito, agad nagsagawa ng administrative action ang unibersidad para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng hazing.

Tiniyak naman nito na patuloy silang magbibigay ng update sa publiko ukol sa kaso.

Matatandaang nag-viral sa social media ang screenshots ng umano’y hazing sa Sigma Rho.

TAGS: hazing, Sigma Rho, UP diliman, hazing, Sigma Rho, UP diliman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.