7 sugatan sa karambola sa Quezon

By Angellic Jordan September 29, 2019 - 02:19 PM

Sugatan ang pitong katao matapos magkabanggaan ang apat na sasakyan sa Lopez, Quezon Linggo ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng Lopez police, nawalan ng preno ang drayber ng trailer truck na si Arjay Lopez dahilan para mabangga ang tatlong sasakyan sa bahagi ng Barangay Malay bandang 3:30 ng madaling-araw.

Maliban sa tatlong sasakyan, nabangga rin ng trak ang bahay ng isang Jaime Decena sa lugar.

Patungo sana ang trak sa Maynila.

Naisugod naman ang mga biktima sa Magsaysay Memorial Hospital.

TAGS: lopez, Quezon, lopez, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.