Mga sangkot sa hazing incident sa Laguna, tukoy na ng pulisya

Tukoy na ng pulisya ang mga miyembro ng fraternity na responsable sa hazing incident sa isang criminology student sa Laguna.

Sa isang panayam, sinabi ni Lt. Col. Eliseo Bernales, tagapagsalita ng San Pablo City police, nakuha na nila ang listahan ng mga miyembro ng fraternity na sangkot sa hazing kay Jonathon Concordia, criminology student ng Laguna State Polytechnic University.

Hindi naman inilabas ni Bernales ang pangalan ng mga miyembro para sa isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

Patuloy naman aniyang nakikipag-ugnayan ang pulisya sa pamilya Corcondia at sa pamunuan ng unibersidad ukol sa insidente.

Matatandaang isinugod sa Chinese General Hospital ang 18-anyos na estudyante nang mawalan ng malay sa isang gym noong September 24.

Read more...