Ayon sa mambabatas, ang naturang hakbang ay bahagi lamang ng immigration laws ng Amerika kaya’t hindi ito maituturing na pakikialam sa soberenya ng Pilipinas.
Sabi ni Lagman, “sole prerogative” ng U.S kung sino lang ang maari at hindi puwedeng makapasok sa kanilang teritoryo.
Hindi rin aniya maaring kuwestiyunin ng ibang bansa o partido ang basehan ng “exclusionary act of sovereignty” ng Amerika.
Kung tutuusin, ayon kay Lagman, ang mga bumabatikos sa naturang hakbang ang siyang nanghihimasok sa sovereign rights ng Amerika.