Desisyon ng US na ipagbawal sa kanilang bansa ang mga politiko na nagpakulong kay Sen. De Lima, hindi maaring kuwestiyunin – Rep. Lagman

By Ricky Brozas September 29, 2019 - 01:15 PM

Kung si Albay Representative Edcel Lagman ang tatanungin ay wala siyang nakikitang masama sa pasya ng United States Senate na ipagbawal na makapasok sa Estados Unidos ang mga opisyal na sangkot sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.

Ayon sa mambabatas, ang naturang hakbang ay bahagi lamang ng immigration laws ng Amerika kaya’t hindi ito maituturing na pakikialam sa soberenya ng Pilipinas.

Sabi ni Lagman, “sole prerogative” ng U.S kung sino lang ang maari at hindi puwedeng makapasok sa kanilang teritoryo.

Hindi rin aniya maaring kuwestiyunin ng ibang bansa o partido ang basehan ng “exclusionary act of sovereignty” ng Amerika.

Kung tutuusin, ayon kay Lagman, ang mga bumabatikos sa naturang hakbang ang siyang nanghihimasok sa sovereign rights ng Amerika.

TAGS: Amerika, Rep. Edcel Lagman, Sen Leila De Lima, US Senate, Amerika, Rep. Edcel Lagman, Sen Leila De Lima, US Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.