2 patay, 11 sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang jeep sa Sultan Kudarat

By Ricky Brozas September 29, 2019 - 12:54 PM

Google Maps

Dalawa na ang naiulat na nasawi habang 11 naman ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang pampasaherong jeep sa Sultan Kudarat.

Kinilala ng mga otoridad ang mga namatay na sina Jamil Ampatuan Guiampaca, 20-anyos, at Naif Pagatan Etto, 7-anyos, pawang residente ng Cotabato City.

Batay sa ulat ng Kalamansig PNP, sakay ang mga biktima sa isang kulay green na Bongo Mazda mula Cotabato City patungong Balut Island, pero pagsapit ng matarik na bahagi ng kalsada sa Sitio Babancao, Barangay Paril, Kalamansig, Sultan Kudarat ay bigla na lamang bumigay ang preno ng sasakyan.

Dahil dito ay hindi na na-control ng driver na si Sammy Sedik Alimao ang manibela ng jeep at dire-diretso na itong nahulog sa bangin.

Agad namang rumesponde ang rescue volunteers ng Kalamansig MDRRMO at dinala sa Sultan Kudarat District Hospital ang mga sugatan habang ang iba pang pasyente ay inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.

Karamihan sa mga biktima ay mga estudyante na nagkayayaan na maligo sa Balut Island.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Kalamansig PNP sa naturang pangyayari.

TAGS: Balut Island, Kalamansig, sultan kudarat, Balut Island, Kalamansig, sultan kudarat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.