Ayon kay Comelec spokesman, Executive Director James Jimenez, magtatapos na ang voter’s registration sa Lunes, Setyembre 30, 2019.
Ayon kay Jimenez, inaasahan nilang daragsain ng mga registrant ang last day of registration sa Lunes.
Ngunit, handa naman din aniya ang mga tauhan at kawani ng Comelec para pangasiwaan ang deadline para makapagparehistro na magtatapos 3:00 ng hapon sa Lunes.
Paalala ni Jimenez, kapag inabutan ng 3:00 ng hapon, lahat ng aplikante na nasa 30-meter radius mula sa office of the election officer ay tatanggapin.
Sa datos ng komisyon hanggang Setyembre 21, umaabot na sa 2,645,446 ang mga bagong rehistro.