Comelec, muling nangalampag sa huling araw ng voter’s registration
Pinaalalahanan ng Commission on Election (Comelec) ang publiko sa huling araw na nalalabi para sila ay makapagparehistro.
Ayon kay Comelec spokesman, Executive Director James Jimenez, magtatapos na ang voter’s registration sa Lunes, Setyembre 30, 2019.
Ayon kay Jimenez, inaasahan nilang daragsain ng mga registrant ang last day of registration sa Lunes.
Ngunit, handa naman din aniya ang mga tauhan at kawani ng Comelec para pangasiwaan ang deadline para makapagparehistro na magtatapos 3:00 ng hapon sa Lunes.
Paalala ni Jimenez, kapag inabutan ng 3:00 ng hapon, lahat ng aplikante na nasa 30-meter radius mula sa office of the election officer ay tatanggapin.
Sa datos ng komisyon hanggang Setyembre 21, umaabot na sa 2,645,446 ang mga bagong rehistro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.