6 na ospital, itinalaga para pagdalhan sa mga masusugatang deboto ng sa prusisyon ng Black Nazarene

Inquirer File Photo / Rem Zamora
Inquirer File Photo / Rem Zamora

May itinalagang anim na ospital na pagdadalhan sa mga masusugatan sa isasagawang traslacion sa Poong Nazareno sa Sabado.

Ayon kay Manila Police District Spokesperson Supt. Marissa Bruno, nakipag-ugnayan na sila sa anim, na ospital sa Maynila para paghandaan ang pagdating ng mga masusugatang deboto.

Kabilang dito ang Manila Doctors Hospital, Medical Center Manila, Philippine General Hospital, Ospital ng Maynila, San Lazaro Hospital at Andres Bonifacio Hospital.

Maliban sa anim na ospital na inihanda na para sa gagawing prusisyon na taunang dinadagsa ng mga deboto, maraming medical stations at ambulansya na itatalaga sa Sabado.

Ayon kay Bruno, 48 medical stations at 65 na mga stand-by ambulances ang inilatag ng mga otoridad sa halos 7 kilometrong ruta ng prusisyon ng Black Nazarene.

Karaniwang sanhi umano ng pagkasugat ng mga deboto ay kapag sila ay natatapakan dahil sa labis na siksikan, nadadaganan at nahihilo.

Sa mga nagdaang taon, hindi bababa sa 15 oras ang binubuno ng mga deboto ang pakikilahok sa nabanggit na prusisyon.

Read more...