Libreng sakay na bus at trak, ipakakalat sa ilang lugar sa Lunes (Sept. 30)

By Angellic Jordan September 29, 2019 - 12:38 PM

Magpapakalat ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng mga libreng sakay na bus at trak sa araw ng Lunes, September 30.

Ito ay kasunod ng ikakasang malawakang tigil-pasada ng mga pampasaherong jeep.

Sa abiso ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela, nasa mahigit 30 ang ipakakalat na libreng sakay na bus at trak sa lugar.

Magsisimula ang biyahe bandang 5:00 ng umaga at matatapos dakong 12:00 ng hatinggabi.

Magkakaroon ng biyahe sa bahagi ng MacArthur Highway Malanday – Monumento sa pabalik, Malinta – Maysan Road – Paso de Blas – Bagbaguin at M. H. Del Pilar Road at pabalik.

Pinaalalahanan din ang mga motorista na suspendido ang number coding sa lugar sa Lunes.

Maliban sa Valenzuela City, magkakaroon din ng libreng sakay ang pamahalaang lungsod ng Malabon para tulungan ang mga commuter na maaapektuhan ng transport strike.

Magsisimula ang libreng sakay bandang 5:00 ng madaling-araw.

Narito naman ang ruta sa nasabing lugar:
– Tatawid hanggang Monumento at pabalik
– Tatawid hanggang Sangandaan at pabalik
– Hulo hanggang Monumento at pabalik

Samantala, may libreng sakay din ang pamahalaang lungsod ng Marikina para sa mga commuter na magsisimula bandang 5:00 ng madaling-araw.

Ilan sa mga ruta sa Marikina ay ang mga sumusunod:
– Nangka hanggang LRT
– NGI Parang hanggang LRT
– Panorama SSS Village hanggang LRT
– Savemore Bayan hanggang LRT
– Marikina Sports Center hanggang LRT

TAGS: libreng sakay, tigi-pasada, transport strike, Valenzuela City, libreng sakay, tigi-pasada, transport strike, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.