Tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa layong 123 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 10:02 ng umaga.
63 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang mga sumusunod ng intensities sa mga kalapit-bayan:
Intensity 5:
– Jose Abad Santos, Davao Occidental
– Glan, Sarangani
Intensity 4:
– Malita, Davao Occidental
– General Santos City
– Alabel, Sarangani
– Tupi at Polomolok, South Cotabato
Intensity 3:
– Mati City, Manay, Tarragona, Davao Oriental
– Koronadal City
– Tampakan, South Cotabato
– Kidapawan City
– Makilala at Magpet, Cotabato
– Davao City
– Magsaysay at Sta. Cruz, Davao del Sur
– Panabo City
– Gingoog City at Magsaysay, Misamis Oriental
– Damulog at Kalilangan, Bukidnon
Intensity 2:
– Cagayan de Oro City
– Balingasag, Jasaan, at Villanueva, Misamis Oriental
– Kabacan, M’lang at Tulunan, Cotabato
– Columbio at Tacurong City, Sultan Kudarat
Samantala, naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod:
Intensity 4:
– Kiamba at Alabel, Sarangani
– General Santos City
– Tupi, South Cotabato
Intensity 3:
– Gingoog City
– Kidapawan City
Intensity 1:
– Bislig City
– Cagayan de Oro City
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga apektadong lugar.
Ngunit, inaasahan pa rin ang aftershocks matapos ang pagyanig.