PRC, nakaalerto para rumesponde matapos ang 6.4 magnitude na lindol sa Davao Occidental

By Angellic Jordan September 29, 2019 - 12:19 PM

Nakaantabay na ang Philippine Red Cross matapos tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa Jose Abad Santos, Davao Occidental kaninang umaga, ayon kay Senator Richard Gordon.

Sa Twitter, inihayag ng PRC chairman na inalerto na ang kanilang mga malapit na chapter para rumesponde sakaling mangailangan ng tulong sa mga apektadong lugar.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang PRC sa Phivolcs para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa lindol.

Sa ngayon, wala pa naman aniyang napapaulat na nasugatan at pinsala sa lugar.

Gayunman, sinabi ni Gordon na dapat pa ring maging alerto ang mga tao sa lugar.

TAGS: Magnitude 6.4 na lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, PRC, Sen. Richard Gordon, Magnitude 6.4 na lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, PRC, Sen. Richard Gordon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.