6 na suspects arestado sa magkahiwalay na buy bust operations sa Quezon City

By Len Montaño September 29, 2019 - 04:23 AM

Arestado ang anim na suspects sa magkahiwalay na buy bust operations sa Cubao at Loyola Heights sa Quezon City Linggo ng madaling araw.

Timbog ang limang suspects, kabilang ang apat na babae at isang lalaki sa anti-drugs operation sa Cubao.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Station 7, target ng operasyon ang isang drug surenderee na nagpatuloy umano sa pagtutulak ng droga.

Bumili ang pulis na poseur-buyer ng P500 halaga ng shabu.

Nang magkaabutan ng marked money ay pinasok na ng mga pulis ang bahay ng suspect kung saan nakita ang iba pa sa gitna ng pot session.

Nakuha sa lima ang 16 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600, drug paraphernalia at marked money.

Inamin ng suspect na nakuha sa kanya ang droga pero pinabebenta lamang umano ito sa kanya at wala siyang kinikita rito.

Samantala, naaresto naman ang isang tindero sa buy bust operation sa Loyola Heights.

Matapos magkabentahan ng P700 halaga ng droga, inaresto na ang target ng operasyon.

Nakuha sa suspect ang 12 sachet ng shabu at buy bust money.

 

TAGS: 6 arestado, buy bust, drug surenderee, marked money, pot session, quezon city, shabu, 6 arestado, buy bust, drug surenderee, marked money, pot session, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.