Gal Gadot gaganap bilang 1930s screen siren na si Hedy Lamarr
Gagampanan ni Wonder Woman star Gal Gadot ang isang serye ukol sa buhay ng 1930s screen siren na di Hedy Lamarr.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Gadot na “dream come true” at excited siyang ilahad ang istorya ni Lamarr.
Bukod sa pagganap, ang Israeli actress din ang executive producer ng Showtime Limited Series ukol sa naturang screen siren.
Ibinahagi rin ng Hollywood actress na enjoy siya sa work-out bilang paghahanda sa proyekto.
Si Lamarr ay isang Austrian-born star at naging imbentor.
Sinasabing si Lamarr ang nag-imbento ng “spread spectrum technology” na umanoy ginagamit na ngayon sa Wi-Fi at Bluetooth.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.