Phoenix Petroleum may rollback na sa presyo ng petrolyo ngayong Linggo
Una nang magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang Phoenix Petroleum.
Epektibo alas 6:00 ng umaga ngayong Linggo, September 29, 2019, ang bawas na P1.55 sa kada litro ng gasolina at P0.50 sa kada litro ng diesel.
Asahan naman sa Martes, October 1 ang tapyas sa presyo ng iba pang kumpanya ng langis.
Nakatakda ang bawas-presyo na P1.60 hanggang P1.70 sa kada litro ng gasolina, P0.60 hanggang P0.70 sa kada litro ng diesel at P0.90 hanggang P1 sa kada litro ng kerosene.
Pero kasabay ng rollback sa susunod na linggo, ipapatupad naman ang pagtaas sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG).
Nasa P4 hanggang P5 kada kilo o P44 hanggang P55 kada 11-kilogram cylinder ang LPG price increase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.