Pacquiao at Khan posibleng maglaban sa Dubai

By Len Montaño September 29, 2019 - 12:18 AM

Hindi inaalis ni Manny Pacquiao ang posibilidad na gawin ang susunod nitong laban sa Dubai.

Ayon pa kay Pacquiao, bukas siyang makalaban ang dati niyang sparring partner na si Amir Khan.

Target ng pambansang kamao na muling lumaban sa ring sa susunod na taon.

Muling mag-uusap ang kampo nina Pacquiao at Khan kaugnay ng posible nilang bakbakan.

Matagal nang inihayag ni Khan na nais niyang makalaban ang Filipino boxing champion.

Ilang beses nang nagkaroon ng negosasyon pero hanggang ngayon ay wala pang naisarang deal.

Huling nakalaban at tinalo ni Pacquiao si Keith Thurman habang si Khan ay tinalo naman si Billy Dib.

 

TAGS: Amir Khan, dubai, Filipino boxing champion, manny pacquiao, Pambansang kamao, sparring partner, Amir Khan, dubai, Filipino boxing champion, manny pacquiao, Pambansang kamao, sparring partner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.