87 convicts na unang napalaya pero sumuko, muling pinalaya

By Len Montaño September 28, 2019 - 10:56 PM

Matapos lumaya ay sumuko ang 87 convicts sa gitna ng isyu ng good conduct time allowance (GCTA) law pero muling pinalaya hanggang araw ng Sabado.

Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, unang pinalaya araw ng Biyernes ang 35 convicts, sumunod ang unang dalawang batch sa natitirang 52 convicts na nakalaya araw ng Sabado.

Ang mga convicts anya na nakatira sa Metro Manila ay agad pinalaya habang inaayos ang transportasyon ng mga nakatira sa mga lalawigan.

Pero nabatid na ang naturang mga convicts ay unang napalaya dahil sa acquittal, pardon at parole at hindi dahil sa GCTA.

Gayunman, sumuko ang mga ito dahil sa 15 araw na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinasuko sila ng pangulo para muling ma-compute ang kanilang time allowances.

 

TAGS: convicts, GCTA, Justice Undersecretary Markk Perete, muling pinalaya, nakalaya, sumuko, convicts, GCTA, Justice Undersecretary Markk Perete, muling pinalaya, nakalaya, sumuko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.