Dating PCUP exec patay sa pamamaril sa QC

Patay sa pamamaril ng isang suspect ang dating executive assistant ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa Quezon City Sabado ng hapon.

Ayon sa Quezon City Police District, ang biktima ay si Abdulrashid Ladayao, 53 anyos.

Naganap ang pamamaril sa Manager Street sa Barangay Sangandaan alas 3:25 ng hapon.

Binaril si Ladayao ng lalaking nakasuot ng mask at helmet na nagmamaneho ng motorsiklo.

Nadala pa sa Metro North Medical Center and Hospital ang biktima.

Pero namatay din si Ladayao dakong 4:20 ng hapon.

 

Read more...