Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalaya sa 52 GCTA inmates.
Sa isang statement, sinabi ni DOJ spokesperson Undersecretary Markk Perete na ang nasabing bilang, na una sa dalawang batch, ay pinakawalan araw ng biyernes.
Nilinaw din ni Perete na ang mga napalaya ay hindi sangkot sa heinous crime, at nauna nang inabswelto sa kanilang kaso at nabigyan ng parole at pardon.
Kabilang din sila sa 2,100 convicts na sumuko bilang pagtugon sa 15-araw na ibinigay na ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinagkalooban ang mga ito ng sertipikasyon bilang patunay ng kanilang release.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.