Magkapatid na bata, patay sa bugbog sa India

Dead on arrival ang magkapatid na batang kinilala bilang sina Roshni Valmiki, 12 anyos, at ang kapatid nitong si Avinash, 10 anyos.

Sa imbestigasyon ng mga pulis sa India, binugbog umano sa palo gamit ang stick ang magkapatid hanggang sa mamatay nang makita sila ng mga residente na dumudumi sa kalsada ng Bhakhedi village sa Shivpuri City, India.

Ayon kay local police deputy superintendent Viren Singh, agad nilang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawa ngunit sa kasamaang palad ay agad din silang binawian ng buhay sa byahe.

Sinabi ng opisyal na mahigpit talagang ipinagbabawal sa nasabing lugar ang pagdumi sa kalsada.

Samantala, ipinaabot naman ng mga otoridad sa pamilya ng mga biktima ang kanilang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng 60,000 rupees ($845) na maaari nilang gamiting panggastos sa pagpapalibing habang sa 400,000 rupees ($5,600) ang natanggap ng mga ito mula sa gobyerno sa ilalim ng isang batas ng India bilang compensation sa nangyaring insidente.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.

Read more...