Spider-Man, patuloy na matutunghayan sa MCU

By Marlene Padiernos September 28, 2019 - 02:43 PM

Matapos na sumiklab ang balitang maaaring mawala na sa Marvel ang superhero character na si Spiderman na siyang gumimbal sa mga fans ng Marvel Cinematic Universe (MCU).

Nag post si Tom Holland sa kanyang Instagram account ng isang video clip na nagsasabing “I’m not leaving” bilang pagpapahayag na muli siyang magbabalik bilang si Spider-Man.

 

View this post on Instagram

 

😏

A post shared by Tom Holland (@tomholland2013) on Sep 27, 2019 at 8:41am PDT

Maging si Zendaya na kasalukuyang kasintahan ni Tom Holland at ginagampanan ang role ni MJ sa nasabing palabas ay nag post din ng kanyang reaksyon sa kanyang Twitter account.

Ito ay nang I-anunsyo ng Marvel Studios na itutuloy na nila sa pag-produce ng “Spider-Man: Homecoming” series.

Sa pahayag ng Sony Pictures Entertainment at Walt Disney Entertainment araw ng biyernes, September 27, 2019, tutuldukan na nila ang pangamba ng mga fans na mawala ang sikat na superhero mula sa Marvel Cinematic Universe.

Sinabi din ng dalawang studios na matutunghayan ang ikatlong pelikula ni Spider-Man sa darating na July 16, 2021.

TAGS: Marvel Cinematic Universe (MCU), Sony Pictures Entertainment at Walt Disney Entertainment, Spiderman, Tom Holland, Zendaya, Marvel Cinematic Universe (MCU), Sony Pictures Entertainment at Walt Disney Entertainment, Spiderman, Tom Holland, Zendaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.