Bagyong Onyok lumakas pa, isa nang tropical storm

Lumakas pa ang bagyong Onyok at isa nang tropical storm.

Sa kanilang 11:00 AM advisory, sinabi ng PAGASA na hindi tatama sa kalupaan ang bagyo pero inaasahan na mas lalakas pa at maaaring maging Severe Tropical Storm sa susunod na 24 oras.

Namataan ang sentro ng TS Onyok sa layong 870 kilometro silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes o 1,05 kilometro silangang bahagi ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kph.

Kumikilos ang bagyo ng kanluran hilagang kanluran sa bilis na 35 kph.

Inaasahan ang mga pag-ulan sa Bicol region at Eastern Visayas.

Sa martes ng umaga, ang TS Onyok ay inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Read more...