Barangay Kagawad at isa pa nitong kasama timbog sa pagbebenta ng iligal na droga sa Sampaloc, Maynila

By Marlene Padiernos September 28, 2019 - 12:05 PM

Arestado sina Brgy. Kagawad Diana Guiao at kasamahan nitong si Benjamin Velasquez sa ikinasang buy bust operation ng Manila Police District-Station 4, sa Sampaloc, Maynila.

Ikatlong termino na ni Guiao sa kanyang pwesto bilang isang kagawad ng Brgy. 537, Zone 53, Sampaloc, Maynila.

Napag-alaman ng mga otoridad na ang dalawa ay nagbebenta ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Sa inilabas na ulat, dakong 10:00 pm kagabi ng isinagawa ang operasyon laban sa mga dalawa sa pangunguna ni P/Capt. Edwin Fuggan, ng MPD-Station 4, Station drug Enforcement Team.

Nakuha mula sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1.800 at ang P300 na marked money na ginamit ng mga pulis sa isinagawang buy bust operation.

Kasalukuyan namang nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Benjamin Velasquez, Brgy. 537, Brgy. Kagawad Diana Guiao, Maynila, Sampaloc, Zone 53, Benjamin Velasquez, Brgy. 537, Brgy. Kagawad Diana Guiao, Maynila, Sampaloc, Zone 53

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.