Sumasailalim na sa laboratory test ang kinuhang specimen sa isang tatlong buwang gulang na sanggol na hinihinalang may sakit na polio.
Nabatid sa isang ulat na ang sanggol ay nasa isolation room ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) dahil sa hinalang kaso ng poliomyelitis.
Ang bata ay isinugod sa ospital dahil sa lagnat at pagka-paralisa ng isang binti nito.
Sinabi ni Jenny Panizalez, Information officer ng DOH-Davao Region kailangan na masuri muna ang kinuhang sample mula sa bata para masabi na kung talagang polio ang sakit nito.
Sa ngayon, sinabi ni Panizalez na nanatiling safe sa polio virus ang rehiyon hangga’t hindi lumalabas ang resulta ng pagsusuri sa bata.
Ang Poliomyelitis na kilala bilang polio ay isang infectious disease ay sanhi ng polio virus.