P1.3 halaga ng shabu narekober sa isang buy-bust operation sa Pasig City

By Noel Talacay September 28, 2019 - 10:37 AM

Nasamsam ang P1.3 milyong pisong halaga ng shabu matapos ang inkinasang buy-bust operation ng Pasig City Police, na ginawa sa kahabaan ng Brgy. Malinao, Pasig City, bandang alas-9:15, Biyernes ng gabi, Sept. 27.

Target ng mga otoridad ang apat na drug suspek na sina Mario Basilonia Bien, alyas Mar, 51-anyos at Erwin Buendia Cruz, alyas Win, 27-anyos na parehong residente ng Brgy. Malinao.

Nahuli rin sina Renesar Baldosa Bernardo, alyas Esar, 26-anyos, at taga Brgy. Palatiw at Sigwald Magallanes Perolina, alyas Sig, 33-anyos at nakatira sa Brgy. Pinagbuhatan.

Maliban sa mga ipinagbabawal na gamot, nakuha rin ng mga otoridad mula sa mga suspek ang electronic weighing scale, isang sasakyan at 299 pirasong 1,000 piso na ginamit bilang buy-bust money.

Napag-alaman ng mga otoridad na si alyas Mar ay kasama sa drug watch list ng lungsod ng Pasig.

Ang nasabing operasyon ay bahagi ng anti-illegal drug operation ng Pasig City PNP.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act of 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: P1.3 halaga ng shabu, Pasig City, Pasig City Police, Republic Act of 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, P1.3 halaga ng shabu, Pasig City, Pasig City Police, Republic Act of 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.