Lalaking napagtripan, patay sa saksak sa Davao City

By Marlene Padiernos September 28, 2019 - 10:13 AM

Hustisya ang sigaw ng pamilya ng isang lalaking dead on the spot matapos itong mapagtripan ng isang hindi pa nakikilalang grupo ng kalalakihan sa isang barangay sa Davao City.

Umabot sa labindalawang mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktimang kinilalang si Jericho Funcion, 32 taong gulang at residente ng Brgy. 76-A Bucana, Davao City ang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Sa ipinahayag na salaysay ng mga saksi, ala una impunto ng madaling araw nang mangyaring ang insidente, naglalaro lamang ng Mobile Legends ang biktima kasama ang kanyang pinsan sa may basketball court ng kanilang barangay nang bigla na lamang umano silang habulin ng grupong sinasabing salarin sa pananaksak kay Funcion.

Sa ngayon ay isang suspek pa lamang na kinilalang si Jihad Galante ang nadadakip ng mga otoridad habang patuloy pa rin ang paghanap sa mga kasamahan nito.

Kasalukuyan ng nasa morgue ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang mga labi ng biktima.

TAGS: Brgy. 76-A Bucana, Davao City, Jericho Funcion, labindalawang mga tama ng saksak, Brgy. 76-A Bucana, Davao City, Jericho Funcion, labindalawang mga tama ng saksak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.