Mga sasakyang nasunog sa karambola sa Carmona, Cavite

Nagkarambola ang anim na sasakyan Governor’s Drive, bayan ng Carmona, lalawigan ng Cavite.

Ayon sa saksi na si Cris Pahila, may susunduin siya nang madaanan niya ang nasabing insidente abandang alas-7:00 ng umaga.

Makikita sa video na kanyang ini-post sa kanyang facebook account, nilalamon na ng malaking ang apoy ang mga sasakyan na nagresulta ng makapal at maitim na usok.

Kwento pa ng saksi, kabilang ang ilang trak na ang isa ay may lulan na mga bakal, dalawang bus at isang private vehicle ang nasangkot sa nangyaring aksidente.

Samantala, Ayon kay P/Maj. Rommel Cancellar, Hepe ng Carmona PNP, sumalpok ang isang truck sa isang bus matapos itong mawalan ng preno at ilang saglit lang ay nagsimula ng sumiklab ang apoy sa dalawang sasakyan.

Ayon sa mga otoridad, wala naman nasugatan, maliban sa driver ng trak na nagpapagaling na sa malapit na pagamutan.

Malayo naman sa mga residente ang pinangyarihan ng aksidente.

Bandang alas-11:40 ng umaga, nang maapula ang apoy at naitabi ang lahat na sasakyang na nasunog sa tulong ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng Cavite .

Idineklarang passable ang nasabing kalsada bandang alas-12:30 ng tanghali.

 

READ NEXT
ERRATUM:
Read more...