Makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ang Bicol region dahil sa epekto ng Tropical Depression Onyok.
Sa 4 am advisory ng Pagasa, namataan ang sentro ng Tropical Depression Onyok sa 1,100 kilometro silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.
Kumikilos ito ng pahilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong aabot ng 70 kilometro bawat oras.
Hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo pero maaari itong lumakas at maging isang tropical storm.
Inaasahan ang maulap na papawirin sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa na may kalat-kalat na pag-ulan sanhi ng localized thunderstorm.
Ang bagyo ay inaasahang lalabas ng PAR sa martes, October 1.