Daan-daang menor-de-edad na bihag sa Nigeria, nailigtas

By Angellic Jordan September 28, 2019 - 01:54 AM

Nasagip ang daan-daang bihag na kabataan mula sa isang gusali sa siyudad ng Kaduna sa Nigeria, araw ng Biyernes.

Nasa humigit-kumulang 300 ang kabuuang bilang ng mga nailigtas mula sa gusali na karamihan ay mga kabataan.

Natagpuan ng mga otoridad na nakatali ng kadena ang paa ng mga kabataang may edad mula lima hanggang 19 na taong gulang.

Pitong guro naman ang naaresto sa isinagawang raid sa loob ng gusali ng isang Islamic school.

Hindi naman tiyak ng mga otoridad kung gaano na katagal ang mga kabataan sa nasabing lugar.

Sa panayam kay Yukubu Sabo, tagapagsalita ng Kaduna police, sila na ang nagbibigay ng pagkain at mga pangangailangan ng mga bata.

Dinala na ang mga biktima sa isang stadium sa Kaduna para doon pansamantalang manatili habang hinahanap pa ang magulang ng mga biktima.

TAGS: Kaduna, Nigeria, Kaduna, Nigeria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.