Pangulong Duterte binawi na ang suspensyon sa KENO at Scratch-It ayon sa PCSO

Balik-operasyon na ang Keno Game at Instant Sweepstakes (Scratch It) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Inanusyo ng PCSO sa kanilang Facebook page na binawi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na suspensyon sa KENO Game at Scratch-It.

Dahil dito ayon sa PCSO, epektibo bukas, September 28 araw ng Sabado ay magsisimula na muli ang ticket sales at draws para sa KENO at Scratch-It.

Magugunitang ipinag-utos ng pangulo ang pagtigil ng operasyon ng lahat ng gaming schemes ng PCSO.

Una nang binawi ang suspensyon sa Lotto at sa Small Town Lottery.

Read more...