NLEX Road Warriors wagi kontra Meralco Bolts

Nakuha ng NLEX Road Warriors ang ikalawang sunod na panalo sa ginanap na laban para sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum, araw ng Biyernes, Sept. 27.

Ito ay matapos magwagi ang NLEX laban sa Meralco Bolts sa iskor na 105-99.

Pinangunahan ang NLEX ng center at power forward na si JR Quiñahan matapos makapagtala ng 19 points habang tig-15 points naman sina Kiefer Ravena at Kenneth Ighalo.

Ayon kay Coach Yeng Guiao, umaasa siyang mapapagpatuloy ng NLEX ang magandang nasimulan kasunod ng mga panalo para sa Governors’ Cup.

Balanse aniya ang laro ng koponan sa tulong ng import at opensa ng ng mga Filipino players.

Sunod na makakaharap ng NLEX ang Blackwater sa araw ng Linggo, September 29.

Read more...