DFA nakikipag-ugnayan sa mga otoridad sa Australia kaugnay sa pagkasawi ng transgender na Pinay
Nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga otoridad sa Australia kaugnay sa pagkasawi ng isang Pinay transgender doon.
Ayon sa pahayag na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) at Philippine Consulate General sa Sydney patuloy na minomonitor ang kaso ng pagkamatay ng Pinay sa Wagga Wagga, New South Wales, Australia.
Ayon kay Consul General to Sydney Ezzedin Tago, nakipag-ugnayan na ang konsulada sa local
authorities kabilang na ang Wagga Wagga police.
Ito ay para makakalap ng impormasyon at dagdag na detalye sa kaso.
Kabilang din sa ipoproseso ang repatriation ng mga labi ng biktima.
Tiniyak din ng DFA na ang OUMWA ay nakkipag-ugnayan sa pamilya ng biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.